Advertisers
NAARESTO ng mga elemento ng Philippine National Police – Anti-Kidnapping Group (PNP – AKG) ang hitman ng KAPA international na sangkot sa malawakang scam sa operasyon sa Polomok, South Cotabato.
Nakilala ang inaresto na si Crispin Berja Pariolan ng Purok Pag -asa, Brgy. Cannery, Polomolok.
Ayon kay BGen Jonnel Estomo, Direktor ng PNP AKG, 1:50 ng hapon nang isinagawa ang operation ng pinasanib na elemento ng PNP – AKG Mindanao Field Unit Cotabato Sattelite Office sa pamumuno ni Col. Alex Fulfar at Polomok Police Station sa Purok Pag-asa.
Ang pagdakip kay Pariolan ay base sa ipinalabas na warrant of arrest ni Hon. Jose T. Tabosares, acting Presiding Judge ng RTC Branch 16 ng Kabacan, Cotabato Judicial Region, sa kasong murder.
Si Pariolan ang pangunahing suspek sa pagkidnap sa isang Rogelio Casida noong Oct. 2019, at sa isang Remily Iral sa Gensan City noong Jan. 2020.
Kapwa nawawala ang biktima at hindi pa nakikita hanggang sa kasalukuyan.(Mark Obleada)