Advertisers

Advertisers

May-ari ng punerarya, patay sa ambush

0 388

Advertisers

PINAGBABARIL patay ang isang may-ari ng punerarya ng mga hindi pa kilalang riding in tandem Biyernes ng hapon sa Cebu city.

Kinilala ang biktima na si Richard Buscaino, negosyante at residente sa Brgy. Calamba, Cebu City.

Sa report ng Sawang Calero Police Station, 5:30 ng hapon, naganap ang krimen sa Tres de Abril, A Lopez street, Brgy. Calamba, Cebu.



Ayon kay Police Staff Sergeant Vincent Gonzalvi, imbestigador sa Sawang Calero Police Station, minamaneho ng biktima ang kanyang sasakyan patungong Labangon nang bigla na lamang itong harangin ng mga salarin na nakamotorsiklo at nakasuot ng full-face helmet.

Dito, pinagbabaril ang biktima na tinamaan sa dibdib at iba pang parte ng katawan na naging sanhi ng agaran nitong kamatayan.

Matapos ang krimen mabilis na tumakas ang mga salarin sa hindi malamang direksyon.

Napag-alaman na noong Marso 2018 at nitong Pebrero 2021 ay pinagbabaril ang sasakyan ng biktima na nakaparada sa harapan ng punerarya nito.

Sa ngayon nagpapatuloy ang imbestigasyon para alamin ang tunay na motibo sa krimen at pagkakakilanlan sa mga salarin para sa agaran ikadarakip sa mga ito.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">