Advertisers
DAHIL sa kanyang paggamit na dahilan sa mga Marcos, kaya tatakbo sa presidential poll ay tinira ni Manila Mayor at ngayon ay Presidential aspirant Isko Moreno si Vice President Leni Robredo.
“Talaga? ‘Yun ang dahilan nya kung bat sha tatakbo, dahil lang sa mga Marcos na naman? Madaming Pilipino nagdidildil ng asin.. di malaman ano nagiintay sa kinabukasan, Marcos na naman? Bakit kailangang uminog ang mundo namin ngayon sa away ng Marcos at Aquino? Sa away ng anak ni Marcos at mga anak at kasama ng yellow-tards? Ay pink na pala sorry? Bakit kami mamumuhay sa away nila?” sabi ni Moreno
Ayon kay Moreno ay gusto nya ang mga pananaw nina Lee Kuan Yew, Ferdinand Marcos, Winston Churchill, Martin Luther King at Abraham Lincoln. Ito aniya ang mga dapat na gayahin at kailangan din na mag-move on na tayo sa buhay.
“Nalulungkot ako na di pa sila naka-move on, 30 years ago na. In the first place, dilawan naman ang me kasalanan kung bakit nakabalik mga Marcos sa Pilipinas. Sa panahon nila pinabalik yan eh… Kung me kasalanan kasuhan nila. I have to tell pakiramdam ng taumbayan. Pagod na. Maniwala ka, pagod na,” pahayag ng alkalde sa isang interview.
Sabi pa ni Moreno kay Robredo na hindi ito maaring magsalita ng pagkakaisa kung: “you yourself di mo ma-unify sarili mo, you’re not even proud of your party.”
“Kung kayang mong iwan ang mga kasama mo (sa Partido), paano pa kaya kaming 110 million Filipinos?,” sabi ni Moreno na tumutukoy sa pagtakbo ni Robredo bilang Independent candidate samantalang siya ang chairperson ng Liberal party.
Pinuna rin ni Moreno ang pag-iwan sa kulay ng partido na dilaw at sinabing: “Huwag kayong malilinlang sa pagpapalitan ng kulay…. Ang tanso, tubugin man ng ginto ay tanso pa rin…. Fake leader with fake color is a fake character.”
Samantala sa pagkalat naman ng #WithdrawIsko sa Twitter matapos na magdeklara si Robredo na tatakbo sa pagka-Presidente ay sinabi ni Moreno na: ““Matanong ko lang, karapatan ko rin naman tumakbo diba? Akala ko ba, nagra-rally sila ng demokrasya? Bakit, yung demokrasya ba, sila lang ang may-ari? O yung demokrasya, pinapractice ng isang daang milyon mahigit na Pilipino”
“Nasan ka nung pandemya? Ikaw ba nasa loob ng condo mo pa-blog blog ka lang? O puro ka pasaring sa kasaluyang admin Ngunit wala ka rin namang ginagawa? O nangibabaw sa yo sa loob ng limang taon ang pananw mo sa pulitika imbes na pananaw sa paglilingkod sa bayan? yan ang tanong naming. Where were you when we needed you the most?” sabi ni Moreno.
Ayon kay Robredo ang mga ‘Marcos’ ay isang non-negotiable issue sa kanya at sinabi pa na ayaw niya ng gobyernong tulad ng Duterte at ayaw din niyang makabalik ang mga Marcos sa Malacañang.
Sinabi ni Moreno na panahon na para hayaang manahimik sa kabilang buhay sina President Cory at President Marcos.
”Bakit tuwing eleksyon sila ang bida? Di ba puwedeng Pilipino naman ang bida”? dagdag pa ni Moreno siya standard bearer ng Aksyon Demokratiko party. (ANDI GARCIA)