Advertisers

Advertisers

P3 dagdag pasahe sa jeep hirit ng transport group

0 223

Advertisers

INIHIHIRIT ng mga transport group ang dagdag na P3 sa minimum na pasahe sa dyip dahil na rin sa patuloy na oil price increase.

Ayon kay Pasang Masda Vice President Jojo Martin, umaasa silang mapagbibigyan ng LTFRB ang kanilang petisyon na ipako sa 12 pesos ang minimum fare sa jeep.

Nanawagan naman si Altodap National President Boy Vargas sa mga mananakay na unawain sila dahil wala naman anyang ginagawang tulong ang pamahalaan sa transportation sector partikular sa mga drayber.



Tiniyak ng Pasang Masda at Altodap na bukas naman silang panatilihin ang kasalukuyang pasahe kung magro-rollback ang presyo ng krudo o magbibigay ng subsidiya ang gobyerno. (Josephine Patricio)