Advertisers
Na-trauma ang siyam na taong gulang na babae nang abusuhin ng 63-anyos na lalaki na kinakasama ng kaniyang lola sa San Carlos City, Pangasinan.
Ayon sa salaysay ng biktimang itinago sa pangalang ‘Angelica’, na naglalaro siya sa labas ng kanilang bahay nang tawagin ng suspek at isinama siya sa isang bahay-kubo na nasa gitna ng talahiban at doon na pinagsamantalahan.
Naipa-blotter na ng pamilya sa kanilang barangay ang insidente at at idudulog na rin sa pulisya.
Panawagan naman ni Police Major Virgio Cruz, Deputy Chief ng San Carlos Police, dapat isumbong kaagad sa kanila ang reklamo para maaresto at masampahan ng demanda sa lalong madaling panahon ang nagtatagong suspek.(Ace Ramales)