Advertisers

Advertisers

3 patay sa karambola sa SLEX

0 299

Advertisers

Patay ang tatlong katao kabilang ang driver at dalawang helpers sa karambola ng tatlong sasakyan kabilang ang cargo jitney na may kargang itlog, sa kahabaan ng South Luzon Expressway (SLEX) ng San Isidro Bridge, bayan ng Cabuyao, Laguna, Huwebes ng madaling-araw, Oktubre 14.

Kinilala ang tatlong nasawi na kapwa dead on arrival sa Westlake Medical Center San Pedro City at Calamba Medical Hospital na sina Joseph Agdan, driver, ng Barangay Maligaya Rosario Batangas; gayundin ang dalawang helper na si Michael Mendoza; at Marco Rosales.

Sa report ng Regional Highway Patrol Unit – 4A naganap ang insidente, 2:47 ng madaling-araw habang ang tatlong sasakyan na pawang nasa kahabaan ng SLEX ng biglang maputukan ng gulong ang Isuzu Cargo Jitney na may plakang TCK – 779 na minamaneho ng nasawing si Agdan kaya nagawang huminto sa lane 3 para ayusin ang na flat na gulong ng kanilang sasakyan.



Napag-alaman na nagawang huminto ng driver ng assembled jitney na may plakang DAC-6059 na minameho ni Abanilla Limuel y Rosales para asistehan ang cargo jitney upang magtungo sa lane 3 subali’t hindi nito namalayan ang paparating na MAN truck tractor na may plakang NEU – 6892 na minamaneho ni Caquilala David y Tanamor kaya aksidente nitong nabangga ang cargo jitney.

Dahil sa malakas na pagkakabangga, napunta ito sa gawing kaliwa kung saan naroon naman ang asssembled jitney na nag-assist sa cargo jitney.

Samantalang kasalukuyan pa umanong inaalam ang halaga ng mga napinsala sa naganap na aksidente sa SLEX.