Advertisers

Advertisers

Malaysian, Pinoy tigok sa P10m drug bust

0 243

Advertisers

NAUWI sa engkuwentro ang operasyon ng pulis at militar laban sa dalawang tulak ng droga sa Bongao, Tawi-Tawi

Kinilala ang mga nasawi na sina Nadzmil Ladja ng Sitangkai, Tawi-Tawi; at Hari Man Bin Sabtula, Malaysian national mula Sabah.

Sa ulat, sa tabing-dagat ng Bgy. Pahut isinagawa ang buy-bust.



Ayon sa report, nagka-putukan sa operasyon nang aarestuhin na ang dalawa.
Narekober ang nasa 1.5 kilo ng shabu worth P10.2 milyon.

Ibinebenta ang mga droga sa magkakatabing-probinsya ng Zamboanga, Basilan, Sulu, at Tawi-Tawi. Ang Malaysian na si Sabtula ang naghahatid ng supply papasok ng Pilipinas.

Bukod sa droga, nakuha rin ang 2 caliber .45 baril at bangka na gamit ng mga suspek.