Advertisers
Tuloy ang match-up ng dalawang hinganteng mga negosyante. TNT ni Manny V. Pangilinan kontra sa Magnolia ni Ramon S Ang.
Kung sa sabagay hindi lang ito ngayong season. Dati nagsagupaan na ang tinutukoy nating mga panig. Nagkaroon na Ginebre- TNT, Ginebra-Meralco, TNT-San Miguel at iba pang kombinasyon. Lamang ang mga koponan ni Ang. Daming mga titulo ng SMB at Baragay. Sila ang nagdomina sa mga nagdaang mga conference.
Hindi pa rin nakarating sa dulo ang NLEX ni Pangilinan.
Sa seryeng ito llamado ang Tropang Giga dahil mas maganda kanilang over-all record sa taon na ito. Super ganado rin si Coach Chot Reyes sa muli niyang pag-upo sa bangko ng team. Nahawa tuloy mga player.
Subali’t huwag ninyong iparinig yan sa Hotshots. Gutom sila para sa isa pang titulo. Matagal-tagal na sila huling nagkampeon.
Tatapusin na ng PBA ang season sa Bacolor, Pampanga. Hindi na nila ibabalik ito sa Kamaynilaan kahit Alert Level 3 na sa NCR.
***
Sa NBA ay magsasagupa kaagad ang Warriors at Lakers sa Miyerkules ng umaga Manila time. Kung pagbabasehan ang 2 na pre-season games nina Steph Curry at LeBron James ay lamang ang mga taga-San Francisco. Nguni’t regular match na ito at sa Staples gaganapin ang laban. Importante ang unang laro na mag set ng tone.
Sa Sabado naman ay haharapin nina Anthony Davis ang Phoenix sa homecourt pa rin nila.
Mabigat kaagad sked nina Coach Frank Vogel. Magkakaalaman na!
***
Bukas na mga sinehan sa Metro Manila. Pinayagan na rin ng IATF matapos ang halos isang taon at 8 buwang sarado sila.
Marami rin nawalan ng trabaho. Pati mga taga-Tater’s o ibang snack counter sa tabi nila.
Natatandaan ni Tata Selo na napanood niya sa Bellevue Theater sa Paco noon ang Meralco-Crispa 1971 MICAA championship game bilang added attraction sa palabas.
Iba nga naman ang big screen. Parang tunay kasi.