Advertisers
HANDANG ikonsidera ng Comelec En Banc ang apela na i-extend ang registration period para sa mga kababayan nating nasa ibang bansa na gustong makaboto sa Eleksyon 2022.
Ayon kay Comelec Chairman Sherif Abbas, tatalakayin nila ang posibleng pagpapalawig sa overseas registration sa Miyerkules sa gitna na rin ng puspusang paghahanda nila para sa 2022 national elections.
Maaari aniyang ikunsidera ang pagbubukas muli ng registration sa mga lugar lamang sa abroad na aniya ay “parang NCR” kung saan marami pa ang gustong magparehistro.
Una nang iniapela ni Senador Imee Marcos na ikunsidera ang apela ng mga OFW at seafarer na hindi nakaabot sa deadline ng overseas registration nuong October 14 dahil nahirapan sa pagbyahe patungo sa mga konsulada at embahada bunsod ng pandemya. (Josephine Patricio)