Advertisers

Advertisers

Ayuda sa tsuper, commuters itinutulak ng DoTr

0 261

Advertisers

IGINIIT ng Department of Transportation (DOTr) ang plano nilang bigyan ng ayuda ang mga tsuper ng mga pampublikong sasakyan at maging sa mga mananakay kasunod ng price hike sa mga produktong petrolyo kamakailan.

Inihayag ito ni DOTr Secretary Arthur Tugade sa harap ng panawagan ng mga tsuper na payagan silang magkaroon ng across the board na umento sa pamasahe.

Saad ni Tugade, dapat balansehin ang pangangailangan ng mga driver sa kakayanan ng mga pasahero ngayong nasa harap pa rin ang bansa sa COVID-19 pandemic.



Tiniyak pa ni Tugade ang patuloy na pakikipag-ugnayan ng DOTr at Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) sa Department of Energy (DOE) para magbigay ng mungkahi kung paano maiibsan ang epekto ng tuloy-tuloy na pagtaas ng presyo ng langis sa operation ng mga Public Utility Vehicles (PUVs).

Hinimok ng DOTr sa mga tsuper na lumahok sa service contracting program, kung saan babayaran sila ng pamahalan sa kada kilometro na kanilang itinakbo. (Josephine Patricio)