Advertisers

Advertisers

Fake news na disqualified si Robredo – Comelec

0 231

Advertisers

PINABULAANAN ni Commission on Elections (Comelec) Spokesperson James Jimenez na disqualified na para tumakbo sa pagkapangulo si Vice President Leni Robredo.

Ayon kay Jimenez, mga fake news ang lumabas na balita sa ilang social media accounts.

Lahat aniya ng mga partido ay wala pang paglabag dahil wala pa silang mga opisyal na kandidato.



Bago kasi ang anunsiyo ni Robredo na tumakbo sa pagkapangulo ay inindorso na siya ng mga opposition coalition na 1Sambayan, Akbayan party-list at ilang mga grupo.