Advertisers

Advertisers

Maynila ready na sa implementasyon ng limited face-to-face classes – Isko

0 435

Advertisers

HANDA na ang Maynila sa pagpapatupad ng limited face-to-face classes.

Ito ang inanunsyo ni Manila Mayor Isko Moreno nitong Martes, Oct. 19 kung saan kasama niya sina City Engineer Armand Andres at Division of City Schools Supt. Dr. Magdalena Lim nang inspeksyunin ang Aurora Quezon Elementary School sa Malate, Manila, na isa sa mga piniling pagdausan ng pilot classes.

“Sa mga nanay at tatay ng mga Batang Maynila, naggagayak na ang inyong Division of City Schools thru Dr. Magdalena Lim at ang inyong pamahalaang lungsod,” sabi ni Moreno.



“Naglalagay na tayo ng acrylic barriers para pumanatag kayo na pagbalik ng mga anak niyo may mga ginawa na ang pamahalaan para maingatan sila. So kapit lang,” dagdag pa niya.

Samantala ay inanunsyo rin ng alkalde na ang city government ay bumili ng kabuuang 57,622 na karagdagang tablets para gamitin ng mga estudyante at teachers sa gitna nang pagpapatuloy ng online classes at pinasalamatan din ng alkalde ang Manila City Council sa pangunguna ni Vice Mayor at Council Presiding Officer Honey Lacuna para sa suporta. Ito ay bukod pa sa 137,217 tablets na nauna ng binili at ipinamudmod ng lungsod ng Maynila.

Bukod pa rito ay sinabi rin ni Moreno na ang dating libreng monthly data allocation na 10gb kada batang tumanggap at tatanggap ng tablet ay gagawin ng 20gb.

Inatasan din ni Moreno si Manila Traffic and Parking Bureau chief Dennis Viaje at Manila Police District Director Gen. Leo Francisco na tiyakin ang pagpapatupad ng kababagong pasang ordinansa na nagbabawal sa mga sasakyan o motor vehicles na may modified muffler na nagbubuga ng malakas na ingay at parusahan ang mga lalabag.

Ang utos ay ibinigay ni Moreno matapos na pirmahan bilang batas ang Ordinance 8772 na iprinisinta ni Lacuna at prinsipal na iniakda ni Majority Floorleader Atty. Joel Chua at Councilors Terrence Alibarbar, Philip Lacuna at Joel Villanueva, na nagtatakda bilang “excessive, loud and unreasonable” sa ingay na lagpas sa national standard na 99 decibels na mula sa engine speed na 2,000 hanggang 2,500rpm.



Inatasan din ni Moreno si Manila Barangay Bureau Director Romeo Bagay na ipakalat ang ordinansa na kilala bilang ”Motor Vehicle Modified Muffler Noise Regulation Ordinance of the City of Manila”, sa may 896 na punong barangay sa lungsod para sa maayos na pagpapatupad.

Ang nasabing ordinansa ay naglalayong magbigay ng kailangang katahimikan sa panahon ng kanilang online claases upang makapagisip at makapag-aral ng husto ang mga estudyante, gayundin ang mga empleyadong sa bahay nagtatrabaho. (ANDI GARCIA)