Advertisers

Advertisers

Pag-asa, ayuda sa biktima ng bagyong Maring, ibinigay ni Bong Go

0 269

Advertisers

PERSONAL na binisita ni Senator Christopher “Bong” Go ang mga residenteng sinalanta ng bagyong Maring sa Buguey at Santa Teresita, Cagayan province upang magbigay ng pag-asa, aliw at ayuda.

Sa nasabing aktibidad, nanawagan si Go sa lahat ng Filipino na tumindig at magkaisa sa harap ng iba’t ibang krisis na dinaranas ng bansa dulot ng COVID-19 pandemic at natural na kalamidad.

Kaya naman nangako si Go na hindi siya titigil na suportahan at tulungang makabangon ang mga nalugmok sa nakaraang kalamidad sa lalawigan.



“Uulitin ko lang po, mawalang galang na po sa inyong lahat. Huwag ho kayong magpasalamat sa amin. Kami po ang magpasalamat sa inyo dahil binigyan n’yo po kami ng pagkakataon na makapagserbisyo po sa inyo,” sabi ni Go.

Tiniyak ni Go sa komunidad na ginagawa rin ng pamahalaan ang lahat para mapabilis ang kanilang pagbangon.



“Ngayon, hinding-hindi po namin sasayangin ito. Itong pagkakataon na ito na ibinigay n’yo po sa amin ni Pangulong Duterte – mga probinsyano lang po kami. Si Pangulong Duterte isa po siyang mayor sa Davao na ginawang presidente. Ako naman po, 23 years na nagtatrabaho po sa kanya bilang staff n’ya po at naging special assistant, naging secretary po sa kanya noong 2016, ginawa n’yo pong senador.”

“Wala na po kaming hihilingin pa sa Panginoon, ibinigay na po Niya lahat sa amin. Kaya ibabalik po namin sa inyo ‘yung serbisyo pong para sa inyo po. Magseserbisyo kami sa inyo,” anang senador.



Ipinaliwanag ni Go na sa kabila ng kanyang vice presidential bid, nananatili siyang nakapokus sa kanyang trabaho bilang senador at public servant, partikular sa pag-asiste sa gobyerno na sugpuin ang COVID-19 pandemic.

“Ayaw ko munang pag-usapan ‘yung pulitika ngayon… dalawa ang tumama sa atin dito sa Cagayan. Gusto kong unahin muna natin malampasan ang pandemyang ito at iba pang krisis na ating hinaharap,” sabi ni Go.

“Noong naging senador po ako pangako ko po kahit saang sulok kayo ng Pilipinas pupuntahan ko po kayo. Ma-Batanes, ma-Apari hanggang Jolo pupuntahan ko po basta kaya lang po ng aking katawan at ng aking oras. Pangako namin ‘yan sa inyo ni Pangulong Duterte – walang masasayang na oras pagdating sa serbisyo,” paniniyak niya.

Namahagi ang senador at ang kanyang grupo ng iba’t ibang ayuda sa may 600 typhoon victims at libo-libo pa ang inaasahang mabibigyan ng tulong sa mga susunod na araw.

Nagpaalala si Go bilang chairman ng Senate Committee on Health, na mag-ingat pa rin sa COVID-19 kahit fully vaccinated na.

“Tingnan niyo. Pababa na ang mga kaso sa Metro Manila kasi marami na ang bakunado. Nasa datos naman na ‘yung mga positibo ngayon, sila ay ‘yung hindi nagpabakuna, ‘yung nag-aantay at nagsasabi na mamaya na sila. Huwag niyo na antayin na kayo’y abutan at nakakamatay ang virus na ito,” ang babala niya.

Matapos ayudahan ang Typhoon Maring victims sa Buguey at Santa Teresita, Cagayan province, nagsagawa rin ng pagbisita si Senator Go sa Malasakit Center sa Cagayan Valley Medical Center sa Tuguegarao City.

“Wala pong pinipili ang Malasakit Center. Ang Malasakit Center po’y para sa Pilipino na handang tumulong sa inyo hanggang maging zero balance ang inyong billing. Iyan po ang layunin ng Malasakit Center – tulungan po ‘yung mga mahihirap at huwag na po silang pahirapan pa. Ibigay sa kanila ‘yung mabilis na serbisyo,” ani Go.

Muling pinasalamatan ng senador ang mga medical frontliners sa kanilang sakripisyo sa taongbayan at siya’y nangakong poprotektahan ang kanilang kapakanan sa pagsusulong ng Senate Bill No. 2421 na magbibigay ng benepisyo at allowances sa public at private health workers sa patuloy na public health emergency.

“Kung mayroon man tayong pasasalamatan sa panahon po ngayon, sa lahat po ng ating mga doctors, nurses, frontliners, maraming maraming salamat po sa inyong sakripisyo sa panahon ngayon. Mula sa amin ni Pangulong Duterte, sa mga frontliners, kasama na po ‘yung utility workers, security guards, lahat ng mga frontliners, maraming salamat po sa inyong serbisyo,” ani Go.

“Kaya nga po ako, bilang Committee Chair on Health ninyo sa Senado, ipaglalaban ko po lahat ang kapakanan ninyo – ang SRA ninyo, lahat ng incentives dapat ibigay po sa inyo,” dagdag niya.