Advertisers
NASAWI ang magkapatid na bumaril sa isang vendor at nagmolestiya sa anak nito nang manlaban sa pulisya na nagsagawa ng ‘hot pursuit operation’ sa Tagaytay City, Cavite, Linggo ng umaga.
Kinilala ang napatay na si Denmark Consumo at kapatid nitong si Ariel Consumo, kapwa nasa hustong edad at residente ng Barangay Halang, Naic, Cavite.
Sa ulat ni Corporal Braian Balani ng Tagaytay City Police Station, 11:00 ng umaga nang magsagawa ng operation ang pinagsamang puwersa ng Naic Police Station, Force Commander at Tagaytay CPS sa Brgy. Kaybagal Central, Tagaytay City, matapos makatanggap ng impormasyon ang Naic Police na ang magkapatid ay nagtatago sa kanilang kamag-anak sa nasabing lugar. Nanlaban ang magkapatid, nagresulta ng kanilang kamatayan.
Ang magkapatid na Consumo ang mga suspek sa pagpatay kay Richard Ellaran, 35, isang fruit vendor ng Bronzeville Subd., Brgy. Halang noong Oktubre 14, 2021, nang magsumbong ang huli sa pangmomolestiya ng ni Denmark sa 15-anyos nitong anak.
Suspek din umano ang dalawa sa isang barilan noong Abril 21 sa Belmont Subd., Brgy. Halang.
Si Denmark ay dating nakulong dahil sa paglabag sa RA 9262 at 9265 noong 2019 at sangkot din sa paglabag sa RA 9165 noong 2017.