Advertisers

Advertisers

‘No vaccine, no pay’ policy pinaiimbestigahan sa Kamara

0 244

Advertisers

PINABUBUSISI ng Makabayan bloc ang napabalitang “no vaccine, no salary” policy na ipinapatupad ng ilang kompanya sa Metro Manila.

Inihain ng grupo ang House Resolution No. 2309 para himukin ang House committee on labor and employment na imbestigahan ang napabalitang illegal enforcement ng “no vaccine, no pay” scheme.

Nakasaad sa inihaing resolution ng Makabayan bloc na “unfair” at “unjust” ang polisiyang ito.



Ayon kay Bayan Muna party-list Rep. Carlos Isagani Zarate, kung totoo man ang scheme na ito, dapat kasuhan ang mga kompanyang nagpapatupad nito.

Magugunitang isiniwalat ni Associated Labor Unions-Trade Union Congress of the Philippines (ALU-TUCP) spokesperson Alan Tanjusay ang tungkol sa naturang polisiya matapos na makatanggap ng report mula sa grupo ng mga empleyado ng isang kompanya sa Metro Manila.

Kaagad namang hinimok ni Tanjusay ang DOLE na maglabas ng labor advisory na nagbabala sa mga employers laban sa pagpapatupad ng naturang polisiya.