Advertisers
Nasabat ng Bureau of Customs ang nasa P17 milyong puslit na produktong pang-agrikultura at frozen food products sa magkakahiwalay na operasyon ng Maynila, Caloocan City, at Cagayan de Oro.
Sinabi ng BOC na nagsagawa ang operatiba ng magkakasunod na buy-bust operations sa San Nicolas, Manila at Caloocan noong Oktubre 15.
Dito nakalap ang daang-daang Peking duck, shabu-shabu balls, dimsum, mushroom, at Chinese sausages.
Habang nadiskubre naman sa Caloocan ang frozen pork, chicken, fish, beef, pork liver, at fish skin.
Nakuha naman ang dalawa pang container sa Port of Cagayan de Oro na naka-consign sa South Road Consumer Goods Trading na idineklarang “frozen malt” ngunit naglalaman ng sibuyas.
Noong Oktubre 18, dalawa pang container na naka-consign ang nakuha sa Glimmer Cape Food Products Trading na sinabing naglalaman ng seasoning ngunit nang inspeksyunin, sibuyas ang tumambad.(Jocelyn Domenden)