Advertisers
Inihayag ni Police Sr. Master Sergeant Randy Hampac, ang tagapagsalita ng Aleosan PNP, na mga kasapi ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF ang magkapatid na kasama sa tatlo kataong pinagbabaril-patay nitong Sabado sa Purok J, Brgy. Dualing, Aleosan, Cotabato.
Kinilala ang mga nasawi na sina Romano Kanton Salanggao, 27 anyos, walang asawa; Mumokan Kanton Salanggao, 37 anyos, walang asawa at trabaho, parehong mga residente ng Brgy. Poblacion 3, Midsayap, Cotabato.
Ani Hampac, plano na sanang sumuko ng magkapatid sa pamahalaan kung saan nagsisilbing facilitator nila si Darwin Sabes na kasama din sa mga pinaslang.
Dagdag pa ni Hampac, nagkaroon lamang ng pagka-antala ang kanilang pagsuko dahil sa mga kasong kinakaharap nina Mumokan at Romano.
Matatandaang hinarang at pinababa sa kanilang sinasakyan ang mga biktima at pinagbabaril ng hindi pa nakikilalang mga salarin.
Kasalukuyang nagpapatuloy pa din ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad hinggil sa pamamaril-patay sa mga biktima.