Advertisers
Patay ang isang ginang nang pagbabarilin sa General Santos city.
Kinilala ang biktima na si Maira Barcelona, 50-anyos at residente ng Manansala Subdivision, Purok Kaunlaran, Barangay San Isidro.
Ayon sa anak ng biktima, lulan ng motorsiklo ang mga salarin na bumaril sa kanilang ina, 6:40 nitong Lunes ng gabi, October 18 .
Napag-alaman na nasa labas lang ng kanilang bahay ang biktima ng mangyari ang pamamaril.
Naisugod pa sa ospital ang biktima subali’t binawian din ng buhay.
May kutob na ang pamilya kung sino ang posibleng nasa likod ng krimen.
Nagpapatuloy pa ang ginagawang imbestigasyon ng General Santos City Police Office sa nabanggit na insidente.