Advertisers

Advertisers

Pulis patay sa ambush

0 393

Advertisers

CENTRAL MINDANAO – Binawian ng buhay ang isang kasapi ng Philippine National Police (PNP) nang tambangan sa lungsod ng Tacurong, noong hapon ng Martes, October 19.

Kinilala ang biktima na si Police Executive Master Sergeant (PEMS) Agusto ”Agot” Braganza na nakatalaga sa Tacurong City PNP.

Ayon sa ulat, lulan ang biktima sa minamanehong motorsiklo nito mula sa tahanan patungo sana sa kanyang sakahan.



Ngunit pagsapit ni Braganza sa Barangay Road, Purok Summer Snow, Barangay Baras, Tacurong City, dinikitan ito ng riding in tandem at pinagbabaril gamit ang kalibre .45 na pistola.

Mabilis namang tumakas ang mga salarin patungo sa direksyon ng town proper.

Patay on the spot ang biktima nang magtamo ng dalawang tama ng bala sa ulo.

Sinabi ni Brgy. Baras Chairman Doroteo Delicana na wala naman umanong banta na natanggap ang biktima bago pa man ito pinatay.

Hustisya ngayon ang sigaw ng pamilya ni Braganza habang nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Tacurong City PNP.(Mark Obleada)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">