Advertisers
BISTADO ang paggamit ng isang drone camera sa pag-deliver ng shabu sa Davao City Jail.
Sa ulat, isang kagawad ng Barangay Ma-a ang nakadiskubre sa drone na may kargang tatlong pakete ng shabu malapit sa Davao City Jail noong October 18, 2021.
Ayon kay Jail Capt. Edo Lobenia, may bigat na 25 grams ang narekober na droga na nasa P400,000 street value.
Sa report, ginamit ang drone upang lihim na makapagpadala ng illegal na droga sa loob ng kulungan.
Iniimbestigahan na ng Bureau of Jail Management and Penology (BMJP) ang natagpuang drone at inaalam kung sino ang nasa likod ng insidente.