PANGAKO NG PNP: STRONG FINISH VS ILLEGAL DRUGS
Proyeksiyon sa IPs laban sa CPP-NPA marijuana cultivators ibinigay
Advertisers
IPINANGAKO ng Philippine National Police (PNP) nitong Lunes ang “strong finish” laban sa iligal na droga hanggang sa matapos ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, kasabay ng pangakong poprotektahan din nito ang mga Indigenous People (IP) o mga katutubo mula sa mga kriminal na gawain ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF), kabilang ang pagtatanim ng marijuana sa mga lugar ng mga katutubo.
Sa lingguhang ‘virtual’ na balitaan ng National Task Force to End Local Communists Armed Conflict (NTF-ELCAC), sinabi ni PNP Directorate for Operation Chief, Major General Rhodel Sermonia na pinag-uutos ni PNP Chief, Director General Guillermo Eleazar, ang pagbibigay ng “special attention” sa IPs na laging sinasamantala ng Communist Terrorists Groups (CTG).
Binigyang din ni Sermonia ang kahalagahan ng mga IP ngayong ipinagdiriwang ng bansa ang National Indigenous People’s Month at ang ika-24anibersaryo ng pagsasabatas ng Indigenous People’s Rights Act o IPRA Law.
Ang PNP, aniya, ay nakikipagtulungan na sa lahat ng ahensiya ng pamahalaan upang linisin ang mga komunidad ng mga katutubo sa iligal na droga katulad ng marijuana.
Ito, aniya, ang talagang gagawin ng PNP at bibigyan ng “strong finish” ang iligal na droga gaya ng mga napapabalitang paghuli sa mga malalaking sindikato ng droga sa bansa.
Mararating ang pagtatagumpay, ayon sa opisyal, sa tulong ng lahat ng Filipino gaya ng natatamasang tagumpay sa pakikipaglaban sa mga komunistang-terorista hanggang sa matapos ang termino ni Pangulong Duterte sa June ng susunod na taon.
“Sa PNP po, umiikot sa dalawang tactical approach ang basehan ng pamantayan natin sa paglaban sa illegal drugs. Ito ‘yung supply reduction, which basically manifest into anti-illegal drugs operations — mga buy bust operation, neutralization ng mga sindikato sa illegal drugs,” paliwanag ni Sermonia.
Paiigtingin muli, aniya, ang “BADAC (Barangay Anti-Drug Advisory Council)” na naudlot dahil sa pandemyang dulot ng virus na COVID-19.
Sa tulong ng Coalition of Lingkod Bayan Advocacy Group na kaagapay ng Duterte Legacy Barangayanihan Caravan, maipapakita ang tapang at pagmamalasakit ng Pangulo sa pakikidigma sa iligal na droga at sa mga nabiktima nito.
Sa BADAC, nakikilala kung sino ang mga gumagamit ng iligal na droga at mga nagtutulak nito. At ang mga nahumaling naman ay ginagamit at nabibigyan ng pagkakataong magbagong buhay sa mga programang inilalaan ng pamahalaan para sa kanila, samantalang pinananagit sa batas naman ang mga nagtutulak ng droga.
Kanya ring binalaan ang mga pulis na nasasangkot sa iligal na droga na mahaharap sa mas malaking pretty problema.
“Kapag ikaw pulis ka, sumangkot sa illegal drugs, tapos na pagiging pulis mo. You are now subject of the PNP manhunt and interdiction operations,” babala ng heneral.