Advertisers

Advertisers

5 NPA PATAY SA BAKBAKAN SA MASBATE

0 305

Advertisers

PATAY ang limang miyembro ng New People’s Army (NPA) sa sagupaan sa bayan ng Mandaon, Masbate.

Sa ulat, isisilbi sana ang warrant of arrest ng 5 counts ng murder at kasong attempted murder laban sa isang Eddie/Arnold Rosero alias “Ka Star”, lider ng mga rebelde, 5:30 ng madaling araw nang sumiklab ang bakbakan.

Sinabi sa intelligence report na si Rosero ang lider ng Larangan 1 Guerilla Front ng NPA na nag-o-operate sa probinsya.



Samantala, hindi pa natutukoy ang pagkakakilanlan ng mga nasawi.

Nakita sa crime scene ang tatlong M16 rifles; M14 rifle; dalawang .45 caliber handguns; at improvised explosive devices.(Mark Obleada)