Advertisers

Advertisers

B.1.1.318 variant nakapasok na sa bansa – DOH

0 233

Advertisers

KINUMPIRMA ng Department of Health (DOH) ang pagkakatala ng unang kaso ng B.1.1.318 variant sa bansa.

Ayon kay DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire, 380 katao ang sapol sa bagong Delta variant at isa ang B.1.1.318 variant.

Sa 746 samples na na-sequence, 380 ang nagpositibo sa Delta, 166 ang Beta variant, 104 ang Alpha variant at isa ang B.1.1.318 variant.



Ayon pa kay Vergeire, “variant under monitoring” pa lamang ang B.1.1.318 kaya walang dapat ika-panic.

“Again, let me just reiterate, it’s a variant under monitoring. Lahat po pinag-aaralan sa ngayon. Wala po tayong cause to panic. Kailangan lang po maging vigilant tayo lahat and follow our minimum public health standards,” ani Vergeire.

Nakita ang B.1.1.318 variant sa isang 34-anyos na nakolekta ang sample noong Marso mula sa Philippine Red Cross laboratory. (Josephine Patricio)