Advertisers

Advertisers

Mga lugar na naka-granular lockdown sa NCR nasa 73 nalang

0 257

Advertisers

KINUMPIRMA ng PNP Joint Task Force Covid Shield na bumaba sa 73 kahapon mula sa 88 noong Biyernes ang mga lugar sa National Capital Region (NCR) na nasa ilalim ng granular lockdown.

Ang mga lugar na ito ay nasa 49 na barangays sa limang munisipalidad at siyudad na sakop ng limang Police Districts sa National Capital Region (NCR).

Pinakamarami ang sakop ng Eastern Police District (EPD) na may 37 lugar; Pangalawa ang Manila Police District (MPD) na may 19; at 17 naman sa Quezon City Police District (QCPD).



Binubuo ito ng 48 kabahayan, 16 na residential buil-dings; at 5 subdivison.
281 tauhan ng PNP at 179 na force multipliers ang naka-deploy sa mga lugar na ito. (Josephine Patricio)