Advertisers

Advertisers

Covid update: 4,405 bagong kaso; 7,651 gumaling; 149 patay

0 243

Advertisers

UMABOT pa sa 4,405 ang mga bagong kaso ng COVID-19 na naitala ng Department of Health (DOH) sa bansa nitong Lunes, Oktubre 25.

Batay sa inilabas na case bulletin #590 ng DOH, nasa 2,761,307 na ang total COVID-19 cases sa Pilipinas kung saan 57,763 na lamang ang aktibong kaso o 2.1% ng total cases.

Anang DOH, sa mga nagpapagaling pa sa karamdaman, 76.2% ang nakakaranas ng mild cases, 9.72% na moderate, 6.5% na asymptomatic, 5.3% na severe at 2.3% na kritikal.



Nakapagtala naman ang DOH ng 7,651 bagong gumaling sa karamdaman kaya’t umaabot na sa 2,661,602 ang total COVID-19 recoveries sa bansa o 96.4% ng total cases.

Mayroon namang 149 pasyente na binawian ng buhay kaya nasa 41,942 na ang COVID-19 deaths o 1.52% ng total cases.

Samantala, iniulat din ng DOH na mayroon pa rin namang 21 duplicates ang inalis ng DOH sa total case count, kabilang dito ang 14 recoveries.

Mayroon ding 118 pasyente na unang tinukoy bilang recoveries ang malaunan ay nireklasipika matapos na lumitaw sa pinal na balidasyon na binawian na pala sila ng buhay. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">