Advertisers

Advertisers

PULIS NAKIPAG-AWAY SA TSIKS NAGPAPUTOK NG BARIL, KULONG!

0 468

Advertisers

KULONG ang isang pulis nang magpaputok ng kanyang baril habang nakikipagtalo sa isang babae sa Balangiga, Eastern Samar.

Kinilala ang pulis na si Cpl Alexander Salazar, nakatalaga sa Hernani Municipal Police Station.

Inatasan ni Philippine National Police Chief, General Guillermo Eleazar, ang Police Regional Office-8 na magsagawa ng imbestigasyon hinggil sa iligal na pagpapaputok ng baril ni Salazar.



Ayon kay Eleazar, kung mapatutunayang nagkasala nga si Cpl Alexander Salazar na pinaputok niyo ang kaniyang baril, agad isasampa ang kasong administratibo laban sa kaniya.

“Nakakulong na at iniimbestigahan ang isang pulis na naiulat na ginawang panakot ang kanyang baril sa isang sibilyan sa Eastern Samar. Kung totoo man ito, hindi natin palalagpasin ang kanyang ginawa dahil maliwanag na isa itong kaso ng pang-aabuso na dapat lang bigyan natin ng agarang aksyon upang hindi na pamarisan pa,”saad ni Eleazar.

Nabatid na nakipagtalo si Salazar sa kaniyang ka-barangay na si Abby Abrogar sa Barangay 01 bandang 2:00 ng hapon noong Linggo. Nagpaputok ng baril ang pulis gamit ang kaniyang 9mm service Beretta at saka nagbanta.

Walang nasugatan sa naturang insidente.(Mark Obleada)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">