Advertisers

Advertisers

2 TRAYSIKEL SINUYOD NG TRAK: 3 PATAY, 6 SUGATAN

0 388

Advertisers

BATAAN – Tatlo ang kumpirmadong patay at anim ang sugatan nang masalpok at suyurin ng rumaragasang tanker truck ang dalawang traysikel sa pababa na daan sa Barangay Baseco, Mariveles, Martes ng umaga.

Kinilala ang mga nasawi na sina Renne Lansangan, 56 anyos; at Retchen Rana Atencio, kapwa taga-Sitio Palao, Baseco; kapwa pasahero ng isang traysikel; at Eduardo Santos Jr., 46, ng Barangay Maligaya at driver ng isa pang traysikel na sinalpok at nasuyod ng trak.

Sa ulat, 7:30 ng umaga nang maganap ang aksidente. Kargado ang trak ng produktong petroyo na nakatakdang i-deliver.



Posible umanong nawalan ng preno ang trak na mabilis na bumulusok sa pababang daan hanggang sa mawalan ng kontrol ang driver nito, kungsaan tiyempo namang pababa rin ang dalawang traysikel nang maabutan ang mga ito ng rumaragasang trak at masalpok, masuyod at nagtalsikan ang mga sakay ng mga ito hanggang sa sumalpok at tumaob ang trak sa isang bahay.

Nakunan din ng naka-install na CCTV ng barangay ang actual na pagbulusok ng rumargasang trak na inararo ang dalawang sinusundang traysikel.

Sa tindi ng impact ng pagkabangga ng trak sa isang bahay, wasak ang trak at nagkahiwa-hiwalay ang mga gulong nito, mabuti na lang at hindi sumábog dahil kargado ito ng produktong petrolyo.

Kwento ng ilang nakakita sa insidente, mabilis ang pagbulusok ng trak. Kitang-kita nilang sinuyod ng trak ang dalawang traysikel.

Kabilang sa mga sugatan ang nakatira sa bahay, isang bystander, driver ng isang traysikel, anim na taon gulang na bata at ang driver ng trak na nakilalang si Joel Bonzato, 46, taga-Limay, Bataan, na kasamang isinugod sa pagamutan



Hawak na ng pulisya ang driver ng trak at nagpapagaling pa ang ibang sugatan sa aksidente.

Ayon kay Baseco Punong Barangay Leonida Valderama, hindi ito ang una na may naganap na madugong aksidente na kumitil na ng ilang buhay dahil sa delikadong sitwasyon ng nasabing lansangan na parehong magkasalubong na pabulusok at pinu-problema ng kanilang barangay dahil sa pagiging accident prone area ng lugar.

Sinampahan ng kasong Reckless Imprudence Resulting to Multiple Homicide, phisical injuries at damage to property ang driver ng trak.

Gumugulong pa ang imbestigasyon sa insidente.