Advertisers

Advertisers

Nationwide covid vaccination sa 12-17 anyos sisimulan sa Nov. 3

0 241

Advertisers

SISIMULAN na ng pamahalaan sa Nobyembre 3 ang nationwide COVID-19 vaccination para sa lahat ng menor de edad na nagkakaedad ng 12 hanggang 17-anyos.

Ayon kay Department of Health (DOH) Undersecretary Maria Rosario Vergeire, mga bakunang gawa ng Pfizer at Moderna pa rin ang ituturok sa mga kabataan sa isasagawang nationwide rollout nito.

Matatandaang Oktubre 15 nang simulan ng pamahalaan ang unang phase nang pagbabakuna sa mga menor de edad na may comorbidities o yaong Pediatric A3 group sa National Capital Region (NCR).



Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), mayroong tinatayang 12.7 milyong kabataan na nagkakaedad ng 12 hanggang 17 sa bansa ngayong 2021.

Iniulat din ng DOH na hanggang noong Oktubre 26, nasa 18,666 minors with comorbidities na ang nakatanggap ng unang dose ng bakuna sa initial phase ng pediatric vaccination sa NCR.

Wala naman iniulat na nagkaroon ng severe adverse reaction sa mga nabakunahan na bagama’t may nakaranas lamang ng mild reactions. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)