Advertisers

Advertisers

MGA NADALE NG BAGYONG JOLINA SA MARINDUQUE INAYUDAHAN NI GO

0 251

Advertisers

Bahagi ng dedikasyon ni Senator Christopher “Bong” Go sa pagtulong sa mamamayan ay personal na inayudahan ang mga nasalanta ng bagyong Jolina sa Boac, Marinduque nitong October 19 at namahagi ng mga katukungan.

Hinikayat nito ang mga kapuwa public servant na ipagpatuloy ang mano-manong pagtulong para malampasan ang krisis at hinimok din nito ang mamamayan na makipagkaisa sa pagsisigasig ng gobyerno na mapatigil ang pagkalat ng COVID-19.

“Mga kababayan ko, magtiwala ho kayo sa gobyerno. Magtiwala ho kayo kay Pangulong Duterte, mahal niya po kayo,” he said.



Umapela rin si Go sa mamamayan na magpabakuna laban sa COVID-19 at tinitiyak ng una na kung maaabot na ang herd immunity ay magluluwag na rin ang gobyerno sa mga economic restrictions.

“Magtiwala ho kayo sa bakuna. Ang bakuna po ang tanging susi o solusyon sa ngayon para unti-unti na tayong makabalik sa ating normal na pamumuhay, wala na pong iba,” saad ni Go.

“Pag bakunado ka, tamaan ka man ng sakit, nasa datos po na sa mahigit na 26 million na bakunado na Pilipino (napaka liit na porsyento lamang) ang namatay o severe ang pagkasakit. Ibig po sabihin nito ay epektibo ang bakuna,” dagdag ni Go..

“Please lang, kapag dumating ‘yung bakuna sa harapan ninyo, magpabakuna na kayo. Pakiusap lang namin ni Pangulong Duterte, magpabakuna na kayo kung mahal niyo po ang inyong anak at ang inyong mga pamilya,” pagsusumamo pa ni Go.

Tiniyak ni Go na matapos man ang termino ni President Rodrigo Duterte ay.mananatili siyang pagtutuunan ang kaniyang pagtulong at walanh maiiwang Filipino tungo sa pagbangon.



“Tutulungan ko po ang magiging pangulo. Itutulong ko po kung ano po ‘yung natutunan ko kay Pangulong Duterte sa kanyang administrasyon ngayon. Tutulungan ko para mas lalong maging successful, dahil ito po ‘yung panahon ng pagtutulungan. Ito po ‘yung panahon ng pagkakaisa dahil nasa krisis po tayo,” pahauag ni Go sa panayam.

“Papunta po tayo sa economic recovery. Marami pong nagugutom, maraming nawawalan ng trabaho. Magtulungan po tayo at asahan ninyo na patuloy akong magiging working public servant ng ating mga kababayan,” dagdag nito.

Ang pamamahagi ay isinagawa sa Marinduque State University Gymnasium na ang grupo ni Go ay mahigpit na ipinairal ang kaukulang safety and health protocols para sa seguridad ng pangkalahatan. Namahagi ng grocery packs, meals, masks, face shields, at vitamins sa beneficiaries at ang Department of Health ay namigay naman ng health kits.

Namahagi rin si Go ng new pairs of shoes at bicycles sa mga piling benepisaryo at computer tablets nanan sa ilan para panggamit ng mga nag-aaral nilang mga anak.

“Edukasyon ang puhunan natin sa mundong ito. Sa mga kabataan, sasaya ang inyong magulang kapag nakapagtapos kayo ng pag-aaral. Lahat po tayong mga magulang, gusto natin makapagtapos ang ating mga anak,” saad ni Go.

“Pagdating ng panahon, kung papalarin po ay gusto ko at least one graduate per family ang hangad natin. Para mayro’n na pong sumuporta sa pamilya, na hindi lang po umaasa sa ayuda. Para magkaroon ng trabaho sa bawat pamilya, may graduate po sa bawat pamilya, mayro’n pong pangsuporta po sa mga kasama nila sa pamilya. Iyon po ang aking target,” pagkukumpirma ni Go.

Sa hiwalay na pamamahagi ay namigay naman ng financial assistance ang Department of Social Welfare and Development sa mga typhoon victim.

Si Go na nagsilbing Chair of Senate Committee on Health and Demography ay hinimok ang publiko na unahin ang kalusugan para masolusyunan ang medical concerns.

Dinaluhan din nito ang naging pasinaya sa ika-144 Malasakit Center na ang mga reaidente ay inabisuhang makakakuha ang mga ito ng medical assistance mula sa gobyerno sa pamamagitan ng bagong bukas na Malasakit Center na nasa Marinduque Provincial Hospital.

Ang center ay one-stop shop na kinaroroonan ng DSWD, DOH, Philippine Health Insurance Corporation, and Philippine Charity Sweepstakes Office; kung saan, mula nang ilunsad noong 2018 ang Malasakit Centers ay nakatulong na saahigit na three million Filipinos nationwide.

“Nandidiyan po sa inyong Provincial Hospital ng Marinduque ang Malasakit Center. Pagpasok n’yo po sa pinto, hahanapin n’yo ‘yung karatula diyan ‘Malasakit Center’. Batas na po ‘yan, isinulong ko noon, pinirmahan ni Pangulong Duterte sa tulong rin po ng inyong pride of Marinduque – Speaker Lord Velasco,” saad ni Go.

“Ang Malasakit Center po’y para sa mga poor and indigent patients. Basta Pilipino ka, qualified ka sa Malasakit Center,” pagpapatuloy nito.

Pinasalamatan ni Go ang mga local officials na kinabibilangan nina House Speaker Lord Allan Velasco, Governor Justice Presbitero “Presby” Velasco Jr., Mayor Armi Carrion, Vice Mayor Sonny Paglinawan, Councilors Mark Anthony Seño, Mark Angelo Jinang, Luisito Laylay, Dave Daniel Larga, Justin Angelo Manrique, Luisito Majaba, Carlos Palomares, Violeta Luarca, Aurelio Leva III, at John Paul Musnit para sa kanilang pagtulong sa mga apektadong mga residente.

“Ako naman po ay hindi titigil. Ang pangako ko po sa inyo, kahit saang sulok po kayo ng Pilipinas, makapagbigay ng tulong, makabigay ng solusyon sa inyong mga problema at makapag-iwan po ng konting ngiti sa inyong pagdadalamhati,” pahayag ni Go.

“Kami po ni Pangulong Duterte ay narito po na handing mag-serbisyo po sa inyong lahat sa abot ng aming makakaya at tulungan niyo lang po kami malampasan natin itong pandemyang ito bilang nagkakaisang mamamayang Pilipino,” dagdag pa niya.

Bilang Vice Chair of the Senate Committee on Finance, nagbigay suporta si Go sa iba’t ibang infrastructure development efforts sa probinsiya para sa economic growth, kanilang na ang establishment ng molecular laboratory sa Boac, at ilan pang road rehabilitation efforts sa Mogpog, Santa Cruz, at Torrijos.