Advertisers

Advertisers

Ex-prexy ng mining firm inambus

0 679

Advertisers

Pinagbabaril ng hindi pa naki­lalang mga salarin ang dating presidente ng PHILSAGA Mining Corporation sa naganap na ambush sa Brgy. Sta. Cruz, Bunawan, Agusan del Sur, noong Martes.

Kinilala ang biktima na si retired Col. Samuel Afdal na ligtas na sa kapahamakan matapos maalis ang mga bala sa katawan nito.

Sa ulat na nakarating kay Agusan del Sur Provincial Police Office director Col. Ruben B. Delos Santos na ang biktimang si Afdal na dating pa­ngulo ng nasabing mining firm ay mayroon nang sariling mining area sa nasabi rin lalawigan.



Nabatid na nagsasagawa ng inspeksyon si Afdal sa mining area sa Barangay Sta. Cruz, Rosario nang pagbabarilin ng dalawang lalaki.

Nabatid na ang PHILSAGA ay inirereklamo ng indigenous people tungkol sa bayarin ng royalty fees sa kanilang ancestral lands.