Advertisers
BINASAG ni Kristina Knot ang 33 taon, hawak na rekord ni Lydia De Vega sa 100-meters.
Kristina Knott, na Southeast Asian Games champion sa 200m, ay may oras na 11.27-seconds sa Drake Blue Oval Showcase sa lowa upang itala ang bagong national record.
Habang si De Vega ay may oras na 11.28 sa 1987 Southeast Asian Games sa Jakarta.
Kinumpirma ng Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) ang kapalaran ni Knott sa kanilang official Facebook account.
Si Knott ay nagtapos na second place sa paligsahan, sa likuran ni Kayla White ng United States na tumakbo ng season-best 11.18 seconds.
Inulat ng Pinoy Athletics na umiral ang physical distancing sa paligsahan, na ang bawat atleta ay tumakbo na may pagitan na isang lane.
Puntirya ni Knott na ma-qualify para sa Tokyo Olympics, at kailangan maabot ang qualifying time na 11.15-seconds para sa 100-meters.
Hawak ngayon ni Knott ang Philippine record sa 100 at sa 200m. Nasungkit nya ang national record para sa 200m sa 2019 SEA Games, na tumakbo ng 23.01-seconds sa final matapos burahin ang oras na 23.07-seconds sa heats.