Advertisers
Nasa P3.4 milyong halaga ng shabu ang nasabat sa isang buy-bust operation sa Valenzuela City nitong Miyerkoles ng gabi.
Ayon sa PDEA-NCR, isang 27-anyos na hindi pa pinangalanan, na residente mula sa Tondo, Maynila ang inaresto sa naturang operasyon.
High-value target umano ng ahensiya ang suspek dahil nagbabagsak ito ng ilegal na droga sa Maynila at Camanava.
Mahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act ang nahuli.