Advertisers

Advertisers

Isko bibigyan ng maraming trabaho ang mga Pinoy

0 252

Advertisers

Iginiit ni Presidential Aspirant Manila Mayor Isko Moreno Domagoso ang kanyang paniniwala hinggil sa contractualization kung saan hindi muna ito ang prayoridad sa ngayon.

Ginawa ang pahayag ni Domagoso sa isang convention sa Quezon City kasunod ng naging reaksyon aman ng Kilusang Mayo Uno (KMU) sa nauna na niyang pahayag hinggil dito.

“I stated what I believe is, what I believe is kumain ka muna, magkatrabaho ka muna… mairaos muna natin ang pamilya natin”



“Wala naman siguro masama kung ako mismo bilang gobyerno, may awa ang Diyos ipinagparaya ang gobyerno para sa makinabangan ng tao”, pahayag ni Domogaso

Paliwanag ng Presidential aspirant, hindi kailangang pahirapan sa ngayon ang mga negosyante.



Pangarap aniya ng tao ang permanenteng trabaho pero paano aniya magkakaroon ng permanenteng trabaho kung wala namang trabaho.

Dapat aniya magtrabaho muna ng anim na buwan at panibagong anim na buwan na tuloy-tuloy.



Aniya, tulad ng pangarap natin, sa dalawang taon o tatlong kung siya ay papalaring maging Pangulo ng bansa at bumuti ang ekonomiya at pumanatag ang negosyo ay maari na itong pag-usapan o talakayin para sa long term solution.

Sa ngayon aniya, nais nito mabigyan ang mga tao ng maraming trabaho, temporary man o daglian upang sila ay may mapagharimun.

Sa nasabing convention kung saan nagpakita ng mainit na pagsuporta ang nasa mahigit 50 volunteer groups sa Aksyon Demokratiko na ginanap sa Quezon City Memorial Circle, kasama ni Domagoso ang kanyang running mate na si Vice Presidential aspirant Dr. Wilie Ong at mga senatorial slate na sina Minadanao civic leader Samira Gutoc, Carl Balita at Atty. Jopet Sison. (Jocelyn Domenden)