Advertisers

Advertisers

PILIPINAS KULELAT SA LISTAHAN NG MGA BANSA SA PAGTUGON SA COVID-19 PANDEMIC

0 362

Advertisers

PINAKA kulelat ang Pilipinas sa katatagan o resiliency sa pandemya.

Batay sa ulat ng Bloomberg, pang huli ang Pilipinas sa 53 bansa at nakakuha ng pinakamababang resilient iskor na 40.5

Ayon sa Bloomberg report, pinakamalala ang vaccine coverage o antas ng pagbabakuna sa bansa kung saan 26% ng population lamang ang fully vaccinated kontra COVID-19.



Naapektuhan rin ang resilient iskor ng bansa sa ginawang paghihigpit sa mga bata sa mall at iba pang pampublikong lugar at sa international travel.

Binanggit din ang umano’y konserbatibong paraan ng bansa sa pagbubukas ng ekonomiya.

Matatandaang, nuong nakaraang buwan panghuli rin ang Pilipinas sa COVID-19 resilience ranking kung saan nakakuha lamang ito ng iskor na 40. 2.

6 SA BAWAT 10 FILIPINO SINASABING LUMALA NG HUSTO ANG KANILANG PAMUMUHAY
Samantala sa nakalipas na isang taon, anim sa bawat 10 Filipino ang nagsabi na lumalala pa ang sitwasyon nila sa halip na bumuti, base sa resulta ng 3rd Quarter 2021 survey ng Social Weather Stations (SWS).

Sa pagtatanong sa 1,200 respondents sa ibat-ibang dako ng bansa noong Setyembre 12 hanggang 16, 57 porsiyento ang nagsabi na sumama pa ang kanilang sitwasyon, 13 porsiyento ang nagsabi na bumuti ang kanilang buhay at 29 porsiyento ang nagsabi walang pagbabago.



Sa kabuuan, kumpara sa katulad na survey noong Hunyo, dumami ang nagsabi na hindi bumuti ang kanilang kalagayan ngayon nahaharap pa rin sa krisis pangkalusugan ang bansa dulot ng COVID 19.

Simula noong April 1983, 142 beses ng nakapagsagawa ng katulad na survey ang SWS para malaman ang pagbabago sa kalidad ng buhay ng mga Filipino sa nakalipas na isang taon.

***

Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon mag-email lang sa balyador69@gmail.com.
Ugaliing makinig sa programang “BALYADOR” at “WALANG PERSONALAN TRABAHO LANG” mula lunes hanggang linggo 11:00am-12:00noon sa RADYO NG MASA entertainment net radio. tuwing sabado at linggo 12:00nn-12:30pm sa DWBL 1242 kHz am band, tuwing martes 9:30am RADYO NATIN 105.3 FM Pinamalayan at 10:00am RADYO NATIN 102.9 FM Victoria, tuwing huwebes 9:00-10:00am sa 96.9 FM RADYO NATIN Calapan City. Mapapanood livestreaming at Youtube live!