Advertisers

Advertisers

TAPANG AT MALASAKIT

0 341

Advertisers

Mahigit nang dalawang dekadang pinagkakatiwalaan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Isang matapat at maaasahang alalay na kahit minsan ay hindi nagmalabis sa kanyang tungkulin at di umabuso sa kanyang taglay na kapangyarihan.

Nananatiling low profile at hindi mapagmalaki.



Siya si Senator Christopher Laurence “Bong” Go.
Ang karugtong ng pusod ng Pangulo ng Pilipinas.

Wala atang araw na hindi kasama ni Sen. SBG si Tatay Digong lalo na sa pinakamaseselang lakad nito.



Ika nga, land, air and sea ay handang samahan ni SBG ang Pangulong Duterte.

Sa hirap o ginhawa,sa saya at kabiguan, sa giyera man o kapayapaan.



Ngayon ngang papatapos na ang termino ni PRRD, nag-aalala ito, di para sa kanyang sarili kundi sa kapakanan ng mahal niyang mga mamamayan.

Ayaw niyang (DU30) isipin na mapapabayaan na naman ang bansa at sambayanan.

Nais ni Tatay Digong na may iiwan itong tao na kakalinga sa bawat Pilipino at magtutuloy ng kanyang malinis na hangarin para sa kanyang mga kababayan.

Subok na ni Tatay Digong ang katapatan ni Bong Go at talos nito na busilak ang puso ng mamang senador sa pagtulong sa mga tao.

Kaya sinisikap ng Pangulong Duterte na ipabatid sa mamamayang Pilipino na sadyang maaasahan ng mga ito ang isang Bong Go.

Masipag at masigasig na daluhan ang lahat ng nangangailangang Pilipino.

Hindi na sapat ang mga kataga upang isalarawan ang napakaraming bagay na nagawa na nito para sa kanyang mga kababayan.

Mga kapaki-pakinabang na programa at proyektong inilatag para sa ordinaryong tao.

Walang tigil, walang kapaguran.

Walang kasawaan!

At ngayon ngang isinatinig na nito ang kanyang hangaring mas lalo pang makapaglingkod sa mas mataas at responsableng kapasidad, all out ang suporta at paniniwala sa kanya ng Pangulong Duterte.

Marami ang naiinggit, naninira at naghahangad ng di maganda laban sa senador ng bayan, ngunit di alintana ito ni Senator Bong Go.

Tuloy lamang ang matapat na serbisyo sa ngalan ng wagas na pagmamahal at pag-aaruga sa common tao.

And as their slogan says, TAPANG at MALASAKIT will continue as SBG unfolds another chapter in his political and civil service career.

Tuloy ang serbisyo sa tao!

Mabuhay ka sir SBG and may your tribe increased!

***

PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com
Ugaliin rin makinig at sumubaybay sa REALIDAD Online. Monday to Friday 4pm to 5pm over Elizalde Broadcasting.