Advertisers
DEAD on arrival sa pagamutan habang kritikal ang isa katao nang pagbabarilin sa Andres Alonzo Street, Rosary Heights 10, Cotabato City.
Kinilala ang namatay na si Joselito Bello alyas Tata, 45; habang sugatan si Glen Galbo, 34, pawang mga residente ng Rosary Heights 1 ng lungsod.
Sinabi ni Police Station 2 commander Captain Rustum Pastolero na sakay ang dalawa ng motorsiklo nang biglang pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang mga salarin.
Bumulagta si Bello habang si Galbo nagawa pang makatakas ngunit nagtamo na ito ng sugat sa katawan.
Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng PNP sa motibo at kung sino ang may gawa nito.