Advertisers

Advertisers

3 patay sa salpukan ng 2 motorsiklo

0 486

Advertisers

DEAD on the spot ang tatlong lalaki nang magkasalpukan ang sinasakyang motor sa M’lang, Cotabato Linggo ng gabi (October 31).

Kinilala ang tatlong nasawi na sina Joseph Laudenio, nasa wastong gulang, ng Purok 1, Barangay Katipunan, Mlang; Francis Fernando, 18, ng Purok 2, Barangay Katipunan; at Phytzz Resty Gono Untalan, 27, collector ng King Coop at residente ng Poblacion B, Mlang.

Ayon sa ulat, 9:50 ng gabi nang mangayari ang aksidente.



Sa report, mula sa bahay ng kanyang mga magulang sa Sito Labo nanggaling si Untalan at papauwi na sa Poblacion B sakay ng motorsiklo nang nakasalpukan nito ang isa ring motorsiklo na sakay sina Laudenio at Fernando na mula naman sa palengke ng Mlang at papauwi na rin sa Barangay Katipunan.

Matinding bali sa katawan at sugat sa ulo ang tinamo ng mga biktima dahilan ng kanilang agarang kamatayan.