Advertisers
PINOSASAN ang 29-anyos na lalaki nang mag-masturbate sa harapan ng isang dalaga sa loob ng isang opisina sa isang pampublikong palengke sa Imus City, Cavite, Sabado ng gabi.
Kinilala ang inaresto na si Saidamin Guro.
Sa report, inireklamo si Guro ng empleyada ng isang negosyo sa loob ng Imus Public Market sa Imus City.
Sa ulat ni Patrolman Gerard Ashley Gervacio ng Imus City Police Station, 7:30 ng gabi nagtatrabaho ang babae sa loob ng kanilang opisina nang nagpaalam sa kanya ang lalaki na kung puwede siyang maghintay sa loob ng waiting area ng kanilang tanggapan dahil sa mainit na panahon sa labas.
At dahil nakikilala naman ng biktima si Guro, pumayag itong patambayin sa kanilang waiting area. Pero pagkalipas ng ilang minuto, nabigla ang empleyada nang nakita na nagsasalsal ng ari sa kanyang harapan si Guro.
Nagtatakbong palabas ang kawani at humingi ng tulong sa Civil Security Unit ng palengke na nagresulta sa pagkakaaresto kay Guro.