Advertisers
BUMABA ng 72 percent ang bilang ng mga pasaherong umuuwi sa Pilipinas sa ikatlong quarter ng taon.
Ayon sa Bureau of Immigration (BI), ang pagbaba ng bilang ng mga dumadating sa bansa ay epekto pa rin ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic na labis na nakaapekto sa international travel industry.
Sinabi ni BI Commissioner Jaime Morente na nasa 893,886 international travelers lamang ang dumating ss bansa noong Enero hanggang Setyembre.
Noong 2020, nasa 3.2 million ang dumating sa bansa sa kaparehong period.
Sobrang baba naman ito sa arrivals bago ang pandemic period na 12.6 million sa unang tatlong quarter ng taon.
Kabilang pa sa mga rason kung bakit kaunti lamang ang mga dumating sa bansa ay dahil sa mga ipinatutupad na travel restrictions.
Dagdag ni Morente nasa 68 percent sa bilang ng mga pasahero ang umalis sa bansa sa unang tatlong quarter.
Nasa 1.1 million travelers daw ang umalis sa bansa sa naturang period kumpara sa 3.6 million na umalis noong nakaraang taon.
Sa kabila naman ng mababang figures tiwala pa rin si Morente na magbabalik na sa normal ang travel industry dahil nagsimula ns rin ang mga bansa na luwagan ang kanilang mga travel restrictions.