Advertisers
Nasayang ang libo-libong dose ng bakuna kontra coronavirus disease nang masunog ang isang local government facility Linggo ng gabi.
Ayon kay Dr. Anatalio Cagampang Jr., chief ng IPHO at Zamboanga del Sur Medical Center, kabilang sa mga brand ng bakunang nasira ang AstraZeneca, Moderna, Pfizer at Sinovac.
Nadamay din sa sunog ang iba pang bakuna laban sa hepatitis, tigdas at polio.
Ayon kay Maj Shellamaie T. Chang spoeksman ng PRO9, 11:30 ng gabi nang masunog ang Philippine Red Cross building, Department of Health Building, IPHO at Zamboanga del Sur Medical Center Maintenance Department sa Brgy. Pagadian City.
Nagsimula ang sunog sa Control Motor for Water Pump ng maintenance department at mabilis na kumalat sa Philippine Redcross Building, Department of Health, and IPHO.
Kabilang sa mga nasunog ang 9,176 doses ng AstraZeneca, 14,400 doses ng Moderna, 88,938 doses ng Pfizer, at 36,164 doses ng Sinovac na nakalaan sa nasabing lalalwigan.
Inilaan ang AstraZeneca vaccines para second doses habang ang Moderna vaccine para sa pagbabakuna ng mga batang may edad 12 hanggang 17.
Samantala ang Pfizer vaccine, inilaan sa Pagidian City at iba pang Local government unit na pangsamantala naka-stores sa provincial cold storage.
Tinatayang aabot sa halagang P 1,500,000 ang pinsala sa naganap sunog na naapula ng mga bumbero 1:36 ng madaling araw.
Wala naman inulat na nasawi o nasugatan sa naganap na sunog. (Mark Obleada)