Advertisers
MALAPATAN, Sarangani – Kalunos-lunos ang sinapit ng isang tricycle driver nang masangkot sa vehicular crash sa Malapatan, Sarangani Province, Martes ng umaga.
Kinilala ni SFO2 Ernesto Besana, ang chief operations ng Malapatan BFP, ang nasawi na si Anthony Abrasado, at residente ng lungsod ng Koronadal.
Sa report, nangyari ang aksidente 5:40 ng umaga kung saan papuntang Glan ang biktima lulan ang tricycle kasama ang asawa at dalawang anak nito.
Ayon sa mga testigo, mabilis ang takbo ng Raider 150 na minamaneho ni Aglobo Roy Dalongdong na papuntang Gensan City at nabangga ang tricycle.
Sa lakas ng impact sumiklab ang Raider.
Hindi na nakaligtas pa si Abrasado at nilamon ng apoy nang ma-trap ang paa nito sa tricycle.
Kaagad isinugod ang mga biktima sa Sarangani Provincial Hospital.
Batay sa inisyal na imbestigasyon, papunta sana ang pamilya sa Glan upang makilibing sa kanilang kaanak.