Advertisers

Advertisers

DUTERTE BIYAHENG MIMAROPA

0 270

Advertisers

PATUNGO ng MIMAROPA (Mindoro, Marinduque, Romblon, Palawan) Region ngayong Huwebes (Nov. 4) ang Pangulong Rodrigo Roa Duterte upang pangasiwaan ang mga pamana ng kanyang administrasyon tungo sa kapayapaan at kaunlaran sa lugar, bilang siya ay Chairman din ng kanyang itinatag na National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).

Ito ang inihayag ni NTF-ELCAC Vice Chairman at National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr., na tiniyak ang pagbisita ng Pangulo ay dadaluhan at sasaksihan ng iba’t ibang local executives ng rehiyon kabilang sina Palawan Governor Jose Chavez Alvarez at Puerto Princesa Mayor Lucilo R. Bayron.

Pahayag pa ni Esperon, bilang dating mayor, alam ni Pangulong Duterte kung papaano pamahalaan ang lokal na pamahalaan. At bilang taga-sulong ng kaunlaran para sa lahat ng LGUs, itinutulak din ng Pangulo ang lahat ng mga programang makakapagtaas ng antas ng kabuhayan ng kanyang mga kababayan. Ito ay para narin wakasan ang problema sa insureksiyon at pamemeste ng mga Communist Terrorists Group (CTG) sa mga kanayunan.



Ginawa rin ng Pangulo na ipag-utos ang pagpapatupad ng mga programa na mag-aangat sa antas ng pamumuhay ng malalayong lugar gaya ng libreng pag-aaral sa mga mag-kolehiyo, libreng patubig sa mga sakahan at mga komunidad, programang pangkalusugan para sa lahat at ang pinaigting na Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).

Maging ang Build Build Build Program, ay nagbigay daan sa pagbuti ng mga industriya at nakalikha ng mga trabaho para sa kanyang mga kababayan at nakuha ng Pangulong Duterte ang tiwala ng mga namumuhunan upang maglagak pa ng kanilang mga kapital dahil sa payapang kapaligiran sa mga kanayunan.

Sa usapin ng kapayapaan sa rehiyon, iniulat ni Esperon na napahina ng mga tropa ng pamahalaan ang dalawang guerilla front at paglansag ng isa pa, upang malinis ang mga lugar sa pamemeste ng Communist Party of the Philippines, New People’s Army, National Democratic Front (CPP-NPA-NDF). Ito rin ang naging dahilan para mapasama ang ilan barangay sa MIMAROPA na mabiyayaan ng Barangay Development Program (BDP).