Advertisers
NAGBABALA si Department of the Interior and Local (DILG) Secretary Eduardo Año sa mga local government units (LGUs) na mayroong mahinang COVID-19 vaccination performance rate.
Sa kanyang Talk to the People briefing kamakailan, inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang pagkadismaya sa vaccination process.
Ayon kay Año, ang mga LGUs na mayroong mababagal na proseso ng pagbabakuna o pati rin iyong mga hindi kaagad nakakapagturok ng COVID-19 vaccines sa kanilang nasasakupan kaya nag-expire ang kanilang supplies ay papaimbestigahan ng kagawaran sa pa-mamagitan ng mga ilalabas na show-cause orders.
Ang mga LGUs na mayroong unsatisfactory vaccination accomplishments ay posibleng maharap sa sanctions mula sa national government.
Ayon pa kay Año, magkakaroon ng pulong ukol sa plano ng DILG na magkaroon ng monitoring system na magtutukoy sa bilang ng mga bakunang ipinapadala sa mga LGUs at sa kung ilan sa mga ito ang nagagamit kada araw. (Josephine Patricio)