Advertisers
POSIBLENG bumaba pa ang Alert Level sa National Capital Region sa mga susunod na araw.
Sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III sa Laging Handa Public Briefing, maaari ito kung papalo na lamang sa 500 na kaso ng COVID-19 ang naitatala kada araw.
Umiiral ngayon ang Alert Level 2 sa NCR hanggang sa Nobyembre 2021.
Ayon kay Duque, base sa datos nitong Lunes, Nobyembre 8, nasa mahigit 2,000 na kaso na lamang ng COVID-19 ang naitala.
Kapag bumaba sa 1,000 o nasa 500 na lamang ang COVID-19 cases, posibleng ilagay na lamang sa Alert Level 1 ang NCR.
Kapag naibaba aniya ang alert level, mas marami ng negosyo ang magbubukas.