Advertisers

Advertisers

‘PAGPATAKAS’ SA STAFF NI MAYOR SARA SA DRUG RAID INIIMBESTIGAHAN!

0 546

Advertisers

INIIMBESTIGAHAN na ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang hindi pag-aresto kay Jefry Tupas, ang information officer ni Davao City Mayor Sara Duterte, sa anti-drug operation sa isang beach resort sa Mabini, Davao de Oro, Sabado ng gabi.

Ibinunyag ng mga naaresto sa raid na bukod kay Tupas, marami pang kasama sa party ang pinatakas ng mga ahente ng PDEA.

Sinabi ni PDEA – Davao Region Director Aileen Lovitos na naisampa na nila sa piskalya ang kaso at iimbestigahan nila ang mga alegasyon ng mga kinasuhan.



“It is a planned operation and we have already submitted this to the fiscal’s office and it’s up for them to investigate the case. And of course, we will conduct our own investigation on this case and of course whatever it is they (suspects) are saying, the speculations they are making, we will conduct our own investigation,” sabi ni Lovitos.

Inalmahan ng mga naaresto na may 50 katao ang nasa party sa Sea Eagle Beach Resort sa Barangay Pindasan pero 17 lang ang binitbit at kinasuhan ng PDEA.
“We issued our press release on November 7. And it was stated that the target was Elizalde and it was stated in our press release that the area where the operation was conducted is a beach resort. There are a lot of beachgoers there and it is a party. There’s an ongoing beach party. Kaya nasabi siguro na 50,” depensa ni Lovitos.

Sa ibinahaging impormasyon ng PDEA, 17 lang ang inaresto na pawang tinukoy na high-value targets (HVTs) kabilang ang pangunahing pakay na si Reysan Ethelbert Elizalde.

Nasamsam sa raid ang may P1.5 milyong halaga ng drugs.

Agad sinibak ni Mayor Duterte si Tupas nang malaman na dumalo ito sa naturang party.
Depensa naman ni Tupas, umalis agad siya sa party pagkakain niya bago paman nakarating ang mga awtoridad.



Pero sinabi ng mga inaresto na kabilang si Tupas sa “main targets” sa raid dahil tinawag ng PDEA ang pangalan nito.