Advertisers

Advertisers

Covid update: 2,646 bagong kaso; 4,029 gumaling; 99 nasawi

0 410

Advertisers

NAKAPAGTALA ang Department of Health (DOH) ng 2,646 na karagdagang kaso ng COVID-19 nitong Miyerkules, Nobyembre 10.

Samantala ay mayroon namang naitalang 4,029 na gumaling at 99 na pumanaw.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 1.0% (29,138) ang aktibong kaso, 97.4% (2,735,508) na ang gumaling, at 1.59% (44,665) ang namatay.



Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong November 8, 2021 habang mayroong 7 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).

Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 7 labs na ito ay humigit kumulang 15.2% sa lahat ng samples na nai-test at 5.1% sa lahat ng positibong mga indibidwal. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)