Advertisers
Pabor ang mga Metro Manila Mayors sa pagpapalawig pa ng General Community Quarantine (GCQ) sa National Capital Region (NCR) sa susunod pang 30-araw.
Ayon kay Metro Manila Council (MMC) chairman Edwin Olivarez, kanilang inirekomenda ang pagpapanatili ng GCQ sa NCR.
Binigyan-diin ni Olivarez na ang kanilang pagsusulong sa extension ng GCQ sa kamaynilaan upang mabalanse na rin ang usaping pangkalusugan at pang-ekonomiya sa kasagsagan ng pandemya.
Inilahad ni Olivarez na pinag-aaralan nilang magpatupad ng mas maiksing curfew mula 10:00 ng gabi hanggang 5:00 ng madaling-araw.
Tiniyak ni Olivarez na magpapatupad pa rin ng localized o granular lockdown sa mga lugar sa NCR na nakapagtala ng mataas na COVID-19 cases. (Josephine Patricio)