Advertisers

Advertisers

Covid update: 1,894 bagong kaso; 1,421 gumaling; 170 nasawi

0 210

Advertisers

NAKAPAGTALA ang Department of Health (DOH) ng 1,894 na karagdagang kaso ng COVID-19 nitong Biyernes, Nobyembre 12.

Samantala ay mayroon namang naitalang 1,421 na gumaling at 170 na pumanaw.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 1.0% (29,105) ang aktibong kaso, 97.4% (2,738,975) na ang gumaling, at 1.60% (45,035) ang namatay.



Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong November 10, 2021 habang mayroong 2 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).

Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 2 labs na ito ay humigit kumulang 0.7% sa lahat ng samples na naitest at 1.5% sa lahat ng positibong mga indibidwal. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)