Advertisers

Advertisers

SUMMON SA PAGKANSELA SA COC NI BBM INILABAS NA NG COMELEC

0 259

Advertisers

PINADALHAN na ng summon ng Commission on Elections (Comelec) ang kampo ni presidential aspirant at dating Senador Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos.

Ang summon ay may kaugnayan sa petition to cancel ng certificate of candidacy na inihain laban kay Marcos.

Ayon kay Comelec spokesman James Jimenez, may limang araw si Marcos para maghain ng kanyang tugon.



“Summons was issued yesterday and are expected to be served today. We are awaiting proof of service. Upon receipt of the summons, the respondent will have five days to file an answer,” ayon kay Jimenez.

Kamakailan, naghain ng petition ang mga human rights organization para ipakansela ang COC ni Marcos dahil hindi na kwalipikadong kumandidatong pangulo ng bansa matapos ma-convict ng Quezon City Regional Trial court sa kasong tax evasion dahil sa hindi paghahain ng income tax return noong 1995.

Matapos nito ay sampu pang indibiduwal ang nagbato ng disqualification petition laban kay Marcos.

Sinabi ni Jimenez, kung sasagot na ang respondent, magsasagawa na ng pre-conference ang Comelec.

Samantala, tiniyak ng kampo ni Marcos na walang basehan ang nasabing petisyon dahil pinagbayad lamang ng multa ang dating senador at hindi nahatulang makulong. (Josephine Patricio)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">