Advertisers

Advertisers

Covid update: 849 bagong kaso; 2,393 gumaling; 99 nasawi

0 312

Advertisers

NAKAPAGTALA ang Department of Health (DOH) ng 849 na karagdagang kaso ng COVID-19 nitong Martes, Nobyembre 16.

Samantala ay mayroon namang naitalang 2,393 na gumaling at 99 na pumanaw.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 0.9% (25,464) ang aktibong kaso, 97.5% (2,748,069) na ang gumaling, at 1.62% (45,808) ang namatay.



Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong November 14, 2021 habang mayroong 6 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).

Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 6 labs na ito ay humigit kumulang 0.8% sa lahat ng samples na naitest at 0.7% sa lahat ng positibong mga indibidwal.

Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang pampublikong site: www.doh.gov.ph/covid19tracker. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)